ASF, nakapasok na sa bayan ng Irosin; mahigit 100 baboy nadepopulate sa loob lamang ng isang araw

Nakapasok na rin sa bayan ng Irosin, Sorsogon ang African Swine Fever (ASF), kinumpirma ito sa Brigada News ng Prov’l Veterinary na si Dr. John Ashley De Castro.

Ayon sa opisyal simula kahapon, Nobyembre 4 ay dalawang barangay na ang apektado. Patuloy umano ang kanilang imbestigasyon kung paano nakapasok ang nasabing sakit ng baboy.

Nasa 164 na na baboy ang pinatay kahapon sa pamamagitan ng electric stunning. Ang numerong ito ay sa Brgy Bolos pa lamang.

Ayon naman sa chief of police ng nasabing bayan na si PMaj John Angelo Romeroso, agad nilang inilatag ang checkpoint sa tatlong border control points, sa Brgy Bolos, Casini at Mapaso lahat din ng barangay ay may checkpoint kung saan binabantayan ito ng kanilang force multipliers kasama na ang mga barangay officials.

Inaasahan na madadagdagan pa ang mga baboy na madedepopulate sa mga susunod na araw.

Nakatakda namang magdeklara ang Sangguniang Bayan ng state of calamity.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *