Fixer sa pantalan, tiklo sa entrapment ops

Arestado ang 48-anyos na fixer sa Matnog Port sa ikinasang entrapment operations ng pinagsamang puwersa ng Intelligence Unit ng Sorsogon PPO at Matnog MPS.

Kinilala ang suspek na si Enrique Desuyo Montemayor, may asawa at naninirahan sa P-2, Brgy Sinibaran, Matnog, Sorsogon.

Isinagawa ng entrapment operations sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy Manjumlad.

Lumabsa sa inisyal na imbestigasyon na inalok ng suspek ang isang operatiba na nagpanggap na driver, nang mabilis na pagproseso ng mga dokumento para agad na makasakay sa isang sea vessel patungong Allen, Samar kapalit ng P6, 500.00 bilang bayad.

Matapos makumpleto ang transaksyon, inaresto ng mga operating personnel ang suspek.

Nakumpiska sa operasyon ang isang genuine na PhP500.00 bill at 12 piraso ng PhP500.00 bill na boodle money, na pinagsama-samang entrapment money at isang unit ng cellular phone.

Si Montemayor ay tukoy na fixer na sangkot sa mga iligal na transaksyon sa mga stranded na drivers at indibidwal na patungo sa Visayas at Mindanao.

Mahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 9845 o ang Anti-Red tape Act.

Matatandaan na mismong si Gobernador Boboy Hamor ang nagsusulong sa pamamagitan ng Sangguniang Panlalawigan na gumawa ng Resolution na magpapataw ng mabigat na kaparusahan laban sa mga mahuhuling mga fixers sa Matnog Port.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *