Atty. Topacio: Teves, hindi nagtatago, haharapin ang mga kaso at alegasyon

Inihayag ng isang abogado na hindi umano magtatago at haharapin umano ni Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr., ang mga alegasyon na ibinabato sa kanya, maging ang ilang kaso ng pagpatay sa kaniyang lalawigan na inaakusa sa mambabatas.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, nasa Amerika si Teves at nakikipag-ugnayan umano siya sa pag-uwi ng kongresista sa bansa.

Una nang sinabi ni Teves na may kaugnayan sa kaniyang kalusugan ang pagpunta niya sa Amerika, pero batay sa record ng  Office of the House Secretary General bumiyahe ang mambabatas noong February 28 hanggang March 9 para sa personal nitong lakad.

Matatandaan na noong Martes, sinampahan ng three counts of murder case si Teves ng Criminal Investigation and Detection Group, na may kaugnayan sa patayan noong 2019, kung saan siya ang itinuturong mastermind.

Binanggit naman mga nahuling suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo, na isang “Cong Teves” ang nasa likod ng pagpatay sa lokal na opisyal.

Nitong Biyernes ng umaga, sinalakay ng mga pulis ang limang bahay, ilan na dito ay kay Teves, para maghanap ng mga baril.

Ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos, may kaugnayan sa 2019 incident ang ginawang pagsalakay. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *