Authorization sa Omicron-targeting COVID-19 booster vaccine sa mga bata hiniling ng Pfizer

Humiling na ng authorization ang Pfizer and BioNTech sa mga Health officials ng America para sa Omicron-targeting COVID-19 booster vaccine para sa mga batang nasa edad 5 hanggang 11.

Ayon sa report, nakasaad sa request ng Pfizer ang emergency authorization para sa 10-microgram dose sa US Food and Drug Administration.

Target umano ng bagong generation ng anti-COVID vaccines ang parehong original strain ng COVID at ang BA.4 at BA.5 lineages na mga subvariants ng Omicron na nagdudulot ngayon ng 90% ng infections sa America.

Oras na aprubahan ng FDA ang nasabing bakuna, kailangan pa rin nitong makakuha ng go signal ng Centers for Disease Control and Prevention bago ito puwedeng iturok sa mga bata.

Napag-alaman din na target ng Pfizer BioNTech na mag-file ng authorization sa European Medicines Agency.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *