Availability ng gamot vs leptospirosis, pinatitiyak

Dapat magkaroon ng available na gamot laban sa leptospirosis ang bawat barangay sa bansa.

Ito ang panawagan ni infectious disease expert Dr. Rontgene Solante kasunod ng naitala ng Department of Health na tumaas ng 36 percent ang mga kaso ng leptospirosis sa iba’t-ibang lugar.

Sa Laging Handa Public Briefing, binigyang diin ni Dr. Solante na kapag may mga ganitong sitwasyon, dapat may supply ng antibiotic sa mga municipal health clinics maging pati sa mga barangay health center.

Aniya pa, batid naman ng publiko na sa daga nagmumula ang leptospirosis kung saan maraming basura kaya dapat alam na aniya ng mga tao kung paano ito maiiwasan.

Matatandaang batay sa datos ng DOH, sa kasalukuyan, pinakamataas ang kaso ng leptospirosis sa National Capital Region na nasa 21%, Western Visayas na 12%, at Cagayan Valley na 11%.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *