Oversupply, isa sa mga dahilan kaya mababa ang bentahan ng mga baboy – SP

Ang oversupply umano ang isa sa mga dahilan kung kaya mababa ang bentahan lalo na ng mga buhay na baboy sa lalawigan ng Sorsogon.

Ayon kay First District Board Member at Committee on Agriculture Chaiman Roland Anoñuevo, ang oversupply ng mga buhay na baboy ang isa sa mga dahilan kaya mababa ang bentahan lalo na at hindi anya nakakapagpalabas ng mga baboy sa ibang lalawigan dahil sa kaso ng African Swine Fever (ASF) sa probinsya.

May mga pagkakataon naman umano na nakakapaglabas sa ibang lalawigan kaya lang ay mahal ang binabayaran ng mga hog raisers sa blood samples para masiguro na negatibo sa ASF ang mga ipalalabas na baboy.

Binanggit nito ang impormasyon na nakarating sa kanila na para sa mga blood samples ng 30 mga baboy ay umabot umano sa hindi bababa sa P18K ang binabayaran.

Dagdag pa ng opisyal, bagama’t pag-aaralan ng Sangguniang Panlalawigan ang mga gagawing hakbang, hinikayat na umano nila ang mga feed dealers na magbigay ng discount package sa mga hog raisers.

Plano rin anpya nila na mag-propose ng pagawaan ng feeds sa lalawigan bilang long term solution na maging maayos ang kabuhayan ng mga hog raisers na isa sa mga sakop ng 7k program ng Pamahalaang Lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *