NEWS UPDATE: Away mag-asawa, itinuturong ugat ng pananaksak-patay ng padre de pamilya sakanyang dalawang anak sa Baras, Catanduanes

BICOL— Away mag-asawa umano ang naging ugat  ng nangyaring pananaksak-patay ng isang padre de pamilya sa kanyang dalawang anak na babae nitong Miyerkules ng gabi sa Brgy. Western Poblacion sa bayan ng Baras, Catanduanes.

Ayon kay Pol. Capt. Mark Lesli Barles ng Baras Municipal Police Station, inamin mismo sakanila ng suspek na si Errol Trasmaño, na matagal na silang nagkakaroon ng pagtatalo at hindi pagkakaunawaan ng kanyang misis at nanay ng mga biktima na nasa ibang bansa at isang OFW.

Posibleng dahil sa galit at init ng ulo nito, nagawa nitong pagbalingan ang kanyang 8-anyos at 9-anyos na mga anak, kaya’t nagawa nito ang madugo at karumal-dumal na krimen.

Samantala, una na ring inihayag ng PNP na nasa impluwensiya ng alak ang suspek batay sakanilang obserbasyon nang sila ay rumesponde sa crime scene.

Matatandaang nagtangka pa sana itong manlaban sa pulisya nang sinubukan na itong arestuhin kaya napilitan ang mga otoridad na paputukan ito sa kanyang kanang hita at sa ngayon ay naka hospital arrest.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng PNP sa nasabing insidente.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *