Babae na nagpasiklab gamit ang hula hoop na umaapoy, nakasungkit ng dalawang Guinness World Title

Umaapoy, nagbabaga, lumalagablab at umiikot-ikot sa katawan ng isang babae ang mga hula hoop na siyang dahilan ng pagkamit nito ng Guinness World Title.

Tubong Nashville, Tennessee, USA si Grace Good na siyang nakakuha nga ng pinakabagong may hawak ng titulong “Most Fire Hoops Spun Simultaneously” dahil sa napaikot niya ang walong hula hoop ng sabay-sabay at umaapoy.

Ang nasabing stunt at kakaibang talent ni Good ay tinatawag na flow arts, kung saan isang body-mind activity at gumagamit ng props.

Maliban riyan, nakamit din ni Good ang titulong “Most Hula Hoops Spun Simultaneously While Balancing on a Giant Rolling Globe” dahil sa kamangha-manghang stunt na nakaapak sa malaking bola habang pinapaikot ang 28 hula hoops ng sabay-sabay.### WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *