Babae na pina-home quarantine, dinampot ng Anti Crime Task force matapos mag-birthday party.

Sinugod ng Anti Crime Task Force ang bahaging ito ng Brgy. San Jose sa Puerto Princesa kagabi, May 17,2021.

Nakatanggap kasi ng impormasyon ang ACTF tungkol sa isang babae na naka-home quarantine ang “naki-party”  o dumalo sa isang selebrasyon.

Ayon sa ulat ng Anti Crime, kasama nilang pumunta sa lugar ang Incident Management Team at ang mga opisyal ng baranggay at dito kinumpirma ang insidente.

Dinampot umano ng awtoridad ang lahat ng dumalo sa nasabing party at dinala sa Quarantine Facility ang babae ng una ng pina-home quarantine.

Nagpahayag din ng pagkadismaya si ACTF Chief at CIO Richard C. Ligad sa nangyari,

“Yun Ang masaklap, naka home quarantine ka, sabay nag party ka..Kung Positive antigen Ang nag host, nganga tayo nito” ani Richard C. Ligad, CIO and ACTF Chief

Photo Courtesy: ACTF Chief, CIO Richard C. Ligad

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *