Babae sa China, umabot sa 8 pulgada ang haba ng pilikmata

Shanghai, China—  Habang ang ibang mga babae ay gumagamit ng “false eyelashes” upang magkaroon ng mahaba at magandang pilikmata, sa lungsod ng Shanghai sa bansang China ay isang babae ang pinarangalan ng Guinness World Records dahil sakanyang mahahabang pilikmata na umabot lang naman ng walong pulgada o 8 inches.

Ang babaeng si You Jianxa mula sa nasabing lugar ang tinaguriang may pinakamahabang pilikmata sa buong mundo at natanggap niya ang unang pagkilala ng Guinness noon pang June 28, 2016 ngunit nasa 4.88 pulgada pa lamang ang haba ng kanyang pilikmata noon.

Kwento ni Jianxa, taong 2015 nang mapansin niyang patuloy sa paghaba ang kanyang pilikmata kaysa sa normal na pilikmata ng ibang tao.

Sinubukan niyang magpa konsulta sa mga medical professionals ngunit kahit aniya ang mga ito ay walang masabing ekplenasyon sakanyang kalagayan.

Inisip niyang maaaring ito ay hereditary o namamana ngunit bukod sakanya, wala ng iba pang miyembro ng kanyang pamilya o angkan ang may kapareho niyang kondisyon.

Limang taon ang nakalipas, nalagpasan niya ang kanyang sariling world record matapos na humaba pa ang kanyang pilikmata at umabot na sa 8 pulgada ang haba nito.

Ayon sakanya, naniniwala na lamang siyang ito ay regalo sakanya ni Buddha dahil mas madali aniyang paniwalaan na ito ay isang divine intervention lalo na at hindi naman ito maipaliwanag ng siyensya. || JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *