Babae sa Michigan nai-glue ang mata matapos mapagkamalang eye drops ang nail glue

MICHIGAN—Muntik nang mabulag ang isang babae sa Michigan matapos nitong mapagkalamang eye drops ang nail glue.

Sa kwento ng biktimang si Yacedrah Williams, nakatulog umano siya gamit ang kanyang contact lense kaya nang magising siya ng ala una nang madaling araw ay naramdaman niyang dry na dry ang kanyang mga mata kaya.

Tatanggalin niya sana umano ang contact lenses kaya dinukot niya sa kanyang purse ang inakala niyang eye drops at ipinatak sa kanyang mga mata.

Pero laking gulat niya nang dumikit ang kanyang mga talukap at saka niya lamang napagtanto na nail glue pala ang kanyang nakuha, imbes na eye drops. Magkapareho kasi umano ito ng hugis ng container.

Hinugasan nya umano ng malamig na tubig ang kanyang mga mata at pilit itong binubuksan pero matindi ang pagkakadikit ng kanyang mga eyelids.

Dito na tumawag sa 911 ang kanyang mister at agad siyang isinugod sa opsital.

Ayon sa doktor, naisalba ng kanyang contact lenses ang paningin ni Williams dahil nagsilbi itong panangga sa ipinatak na nail glue.

Nang mabuksan ang kanyang mga mata at matanggal ang contact lense ay maayos na ang paningin ni Williams kaya’t gayun na lamang ang pasasalamat nito.###

Photo: WXYZ-TV DETROIT

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *