Babae sa Tsina, nabali ang buto pagkatapos mahigpit na yakapin ng katrabaho

Ang pagyakap sa kapuwa ay isa sa mga paraan para maipadama ang ating pagmamahal, pagmamalasakit at pagpapahalaga sa isang tao.

Ngunit, ang pagyakap ay nagdulot ng pagkabali ng buto ng isang babae na itinago sa pangalang Miss Li sa Tsina kamakailan.

Nangyari ito matapos na ang babae ay bigla umanong yakapin ng kaniyang kaopisina nang ito ay uuwi na sana sa kaniyang inuuwian.

Nang makauwi at makalipas ang ilang pang araw, lalo ito umanong sumakit dahilan para ipakitana ito sa doktor at napag-alaman na nabali ang ilang buto ng kaniyang ribs.

Makaraan ang ilang araw ng pagpapahinga at hindi  nakapagtrabaho, kinompronta nito ang kaopisinang yumakap at pinagbabayad ito dahil sa kaniyang sinapit ngunit, tumanggi ito.

Kaya naman, pinaabot na lang ni Miss Li ito sa korte at dahil sa mga pruweba at suporta ng mga kaopisina pinanigan ito ng korte at pinabayad ng aabot sa 10, 000 Yuan ang nasasakdal.

Sa ngayon, nasa maayos na kalagayan na si Miss Li at fully recovered na sa sinapit na rib injury. |WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *