BAGONG BUILDING NG TUMAUINI POLICE STATION, PINASINAYANAN

Pinasinayanan ngayong araw ang bagong building ng Tumauini Police Station sa Barangay San Pedro, Tumauini, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Police Regional Office 2, ang nasabing pasilidad ay may tatlong palapag.

Ito ay pinondohan sa ilalim ng PNP DPWH Covergence Tatag Imprastraktura para sa Kapayapaan at Seguridad Program.

Kabuoang P15,995,847 ang pondong ginamit sa pagpapatayo na imprastraktura kung saan sinimulan pa ito noong February 2022.

Samantala, tiniyak naman ng PNP ang tapat at maagap na serbisyo sa komunidad katuwang ang iba pang law enforcement multipliers at Local Government Unit ng Tumauini.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *