Bagong eco-toilet system ng DENR Centra Luzon, inaasahang makakatulong ng husto sa Manila bay Rehabilitation  

Inilabas na kamakailan lamang ng Department of Environment and Natural Resources o DENR Central Luzon ang bagong “eco-toilet system” nito.

Ayon kay DENR Regional Director Paquito Moreno, gawa ito ng Mines and Geosciences Bureau o MGB para mabawasan ang polusyon at maiwasan ang kontaminasyon ng E. Coli sa mga river systems ng Manila Bay Area.

Sa kasalukuyan, mayroon na nito sa Sibul II Mangrove Nursery at Eco-tourism Park sa Orion, Bataan na layon ring maitaguyod ang paggamit ng waterless toilet o dry toilet system bilang alternatibong solusyon sa water-flushed toilets.

Samantala, kaya umanong maihiwalay ng eco-toilet ang dumi at ihi na karaniwang pinanggagalingan ng E. Coli at ma-iconvert ito sa fertilizer na magagamit naman sa mga pananim.//BNFM OLONGAPO- ARJAY SUPE

 COURTESY  :DENR CENTRAL LUZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *