LPA, Shearline at Amihan, magpapaulan sa bansa

Patuloy pa ring magpapa-ulan ang talong weather system sa bansa ngayong araw ng Huwebes.

Ayon sa PAGASA, ang low pressure area at shear line ay magpapaulan sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.

Huling namataan ang LPA sa layong 355 kilometro silangan timogsilangan ng Surigao City, Surigao del Sur o 345 kilometro silangan ng Butuan City, Agusan del Norte.

Ang LPA at shear line ang magdadala ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa bahagi ng Eastern Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Negros Occidental.

Asahan naman ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa bahagi ng CARAGA, Sorsogon, Albay, Masbate, Lanao del Sur, at nalabing bahagi ng Western Visayas.

Dahil dito, asahan na ang mga pagbaha at pagguho ng lupa dahil s amga tuloy-tuloy na pag-ulan sa mga nabanggit na lugar.

Samantala, Northeast Monsoon o Hanging Amihan ang magdadala ng maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon, at sa nalalabing bahagi ng MIMAROPA.

Amihan din ang magdadala ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang mahihinang pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *