Power crisis, pinangangambahan na magtuloy-tuloy; problema sa fuel, nais matuldukan

Nagpahayag ng pangamba si 1st District Board Member Juan Antonio E. Alvarez sa naranasang sunod- sunod na Power Crisis sa lalawigan ng Palawan.

Ayon kay Alvarez, “trend” na ang brownout na isang dahilan ay kakulangan ng fuel ng National Power Corporation bunsod ng pagkakautang sa kanilang fuel suppliers.

Nagkulang kasi aniya ang fuel subsidy noong nakaraang taon dahil sa biglang pagtaas ng presyo ng krudo.

Inihalimbawa nito ang naranasang brownout kamakailan sa bayan ng Taytay at El Nido na nagdulot ng perwisyo sa turismo at kabuhayan ng maraming kababayan.

Dahil dito, hinihiling ng Provincial Board sa Department of Budget and Management (DBM) na madaliin ang paglalaan ng pondo sa NAPOCOR upang hindi maantala ang pagbili ng kinakailangang fuel.

Inirekomenda rin ni Alvarez na pag-aralan ang pagpasok sa kasunduan sa NAPOCOR upang sakaling ma-delay ang paglabas ng pondo ay ang Lokal na Pamahalaan ng El Nido muna ang magbabayad sa gastos sa fuel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *