Bagyong ‘Maymay’ bumagal, magpapaulan sa malaking bahagi ng N. Luzon – PAGASA

Pinaalalahanan ng PAGASA ang mga residente sa Northern Luzon sa posibleng mga pagbaha at landslide dahil sa mga pag-ulan na ihahatid ng bagyon Maymay.

Sa pinakahuling weather bulletin ng ahensiyo namataan ang mata ng bagyo 305 km Silangan ng Baler, Aurora.

Mabagal itong kumikilos pa Timog-Kanluran taglay ang lakas ng hangin nasa 45 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 km/h.

Nanatili pa rin sa Signal no.1 ang mga Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija, at ang matinding hilagang bahagi ng Quezon (General Nakar, Infanta) kasama ang Pollilo Islands.

Asahan na ang malalakas na pag-ulan at hangin sa Isabela, Aurora at Quirino dahil TD MAYMAY.

Ang Batanes, Cagayan, Apayao, Kalinga at Ilocos Norte ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat hanggang sa malawak na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Shearline.

Ang nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region, ang nalalabing bahagi ng Cagayan Valley at ang nalalabing bahagi ng Ilocos Region ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog TD MAYMAY at Shearline.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *