Bagyong ‘Queenie’ nakapasok na sa PAR, bagyong ‘Paeng’ lalabas ng bansa ngayong araw

Nakataas pa rin ang signal number 1 sa ilang lugar mga lugar sa Luzon dahil sa bagyong Paeng.

Sa pinakahuling bulletin ng PAGASA signal no. 1 pa rin sa

Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Nueva Vizcaya, the western portion of Cagayan,  western portion of Isabela, northwestern portion of Quirino, Nueva Ecija , Pampanga, Bataan, Tarlac, Zambales, at western portion of Bulacan.

Huling namataan ang bagyong Paeng sa layung 340 km West of Dagupan City, Pangasinan.

Kumikilos ito pa West Northwestward sa bilis na 10 km/h taglay ang lakas ng hangin papalo sa 85 km/h malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 105 km/h.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of ​​Responsibility ang bagyong PAENG mamayang hapon o gabi.

Samantala tuluyan nang pumasok sa PAR ang tropical depression na tinawag na Bagyong Queenie

Huli itong namataan sa 975 km east ng Northereastern Mindanao at inaasahang magpapaulan bukas sa ilang bahagi ng Mindanao at Eastern Visayas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *