Bakuna bus ng PRC babyahe na sa Batangas; 300-500 residente target na mabakunahan

Araw-araw ang byahe ng bakuna bus ng Philippine Red Cross Batangas Chapter upang tulungan ang mga lokal na pamahalaan na magbakuna sa mga lugar o barangay na may mataas ang kaso ng mga nagpopositibo sa Covid19 virus.

Nauna nang nailunsad ng PRC-Batangas ang Bakuna Bus sa Brgy Galamay Amo, San Jose kung saan tinatarget na mabakunahan ang may 300 hanggang 500 residente sa naturang lugar.

Sa hiwalay na panayam ng Brigada News FM kay PRC-Batangas Chapter Administrator Ronald Generoso, sinabi nito na ang bakuna bus ay may mahigpit na koordinasyon sa mga Municipal Health Office, ang sinumang babakunahan sa Bakuna bus ay may listahan pa rin na magmumula sa nabanggit na tanggapan at bawal pa rin ang walk in dito.

Nilinaw din ni Generoso na ang bakunang gagamitin ditto ay magmumula pa rin sa Department of Health kung sana katulong lamang ang pamunuan ng Red Cross sa pagbabakuna sa mga kababayang Batangueno.

Ang paglulunsad ng Bakuna Bus ay bilang sagot sa hamon ng National IATF kay PRC Chairman Sen. Dick Gordon na tulungan ang bawat lugar na may matataas ang kaso ng mga nagpopositibo at may kaso ng delta variant.

Ang Bakuna Bus ay may kanya kanyang nakatokang byahe sa Laguna, Cavite at iba pang lugar sa Calabarzon region.

Samantala, ang sunod na byahe ng Bakuna Bus sa Batangas ay sa bayan ng Lemery kung saan may napaulat ng kaso ng delta variant.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *