Balik biyaheng Almeda – Del Rosario, pag-uusapan pa; 10 jeep na allocated transport,  balik ruta

NAGA CITY – Balik rutang Del Rosario – Centro, sa Naga City, ang sampung jeep na inilaan ng Lokal na Pamahalaan, para sa pagbukas ng biyaheng Almeda Highway, matapos na matigil ang biyahe dahil sa pagkalugi.

Ito ang napag-alaman kay Renne Gumba, Executive Director ng Naga City Public Safety Office, kung saan magkakaroon ng mas masusing pag-uusap, plano na dadaan sa Sangguniang Panglungsod kung maibabalik ang rutang Almeda – Del Rosario, matapos nga na matigil dahil wala nang pasaherong nakukuha mula sa ruta nang tuluyang mabuksan ang biyahe sa ibang mga pampasaherong sasakyan, katulad ng jeep, bus na mula sa Pili, Partido Area, Rinconada Area.

Maliban pa riyan, plano na ring magkaroon ng pag-uusap sa mga naapektuhang jeep, na ngayon ay hindi pa tuluyang nakakabalik-pasada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *