Bambi bucket operations, isinagawa ng PAF para sa Mt. Asog sa Iriga City

Nagsagawa ng Bambi bucket operations ang Philippine Air Firce para apulahin ang forest fire sa Mt. Asog sa Iriga City, Camarines Sur.

Ayon kay PAF Spokesperson Col. Maria Consuelo Castillo, dineploy nila ang kanilang Super Huey II at Bell 205 helicopter upang magsaboy ng tubig sa sunog.

Katuwang ng PAF sa paglaban sa sunog ang Bureau of Fire Protection Camarines Sur, 49th Infantry Battalion ng Phil. Army, at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Nagsagawa din ang PAF ng Rapid Damage and Needs Assessment (RDANA) para makita ang lawak ng pinsala ng forest fire at matukoy ang mga pangunahing pangangailangan ng mga apektadong residente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *