Bangkay ng isang kawani ng DEPED Daragutan East San Mariano, narekober

Narekober na ang bangkay ng isang administrative officer ng DepEd Daragutan East, San Mariano, Isabela kinuha na ng kaniyang pamilya noong November 6,2021.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Deputy Chief of Police PLt. Frederico Dulay ng Naguilian Police Station, bago ang pagkakarekober ng bangkay ng biktima ay nakatanggap umano sila ng ulat na noong November 5, 2021 na mayroong tumalon na isang lalaki sa Naguilian Bridge sa Barangay Magsaysay.

Aniya, agad na nagtungo ang kapulisan kasama ang Rescue 101 ng Naguilian sa lugar upang magsagawa ng rescue and search operation.

Hanggang sa araw ng Sabado, November 06, 2021 ay muli umano silang nakatanggap ng tawag na mayroon nang lumulutang na bangkay ng isang laalaki sa bahagi ng Cagayan River na nasasakupan ng Naguilian, Isabela.

Muli itong pinuntahan ng mga otoridad upang beripikahin at pagdating sa lugar ay positibong narekober ang bangkay ng biktima kung saan natukoy ang kaniyang pagkakakilanlan sa pamamagitan ng cellphone na nakuha sa kaniyang bulsa.

Ayon pa kay PLt. Dulay, batay sa salaysay ng kapatid na babae ng biktima ay nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng biktima at kaniyang pamilya bago naglayas dala ang ilan sa kaniyang mga gamit.

Samantala, dagdag pa niya na walang nakitang foul play o bakas ng injuries sa katawan ng biktima at pinaniniwalaan pagkalunod ang naging sanhi ng kaniyang pagkasawi.

Hinikayat naman ni PLt. Dulay ang mga residente ng Naguiluan na tumawag lamang sa kanilang hotline number kung mayroong mga hindi magandang pangyayari na naoobserbahan.

Nanawagan din ang opisyal sa mga nakararanas ng problema na huwag panghinaan ng loob at makipag-ugnayan sa mga kaibigan o kapamilya upang hindi humantong sa kaparehong insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *