Bantag, pinatawan ng 90 araw na preventive suspension dahil sa pagpayag sa panayam sa media ni Palparan

Pinatawan ng Department of Justice ng  90 araw na preventive suspension nang walang bayad si suspended Bureau of Corrections Director Gerald Bantag.

Ang preventive suspension ay dahil sa pagpayag ni Bantag sa isang news channel na makapanayam ang inmate na si Jovito Palparan sa New Bilibid Prison.

Ang pagsususpinde ay konektado sa pagsasampa ng ahensya ng mga kasong grave misconduct at neglect sa pagganap ng mga tungkulin laban kay Bantag dahil sa hindi niya pagsunod sa procedures tungkol sa interview sa mga persons deprived of liberty o PDLs.

Ayon sa DOJ, inaprubahan ni Bantag ang kahilingan ng SMNI News Channel na makapanayam si Palparan noong November 15, 2021 sa Minimum Security Compound ng NBP.

Sinabi nito na ang panayam ay hindi sumunod sa BuCor Operating Manual at Department Circular No. 015.

Inatasan din DOJ si Bantag na maghain ng kanyang sagot sa loob ng 10 araw pagkatapos matanggap ang kautusan.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *