Gigi Reyes , nakalaya na sa Taguig City Jail matapos katigan ng SC ang inihinaing petition for habeas corpus

Nakalaya na kagabi sa Taguig City Jail ang dating Senate chief of staff ni Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.

Sa isang pahayag mula sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP , nakalaya si Jessica Lucila “Gigi” Reyes mula sa Taguig City Jail Female Dormitory bandang 6:30 ng gabi.

Ito ay matapos katigan ng First Division ng Supreme Court sa kanilang resolusyon na may petsang January 17,  ang petition for Habeas Corpus ni Reyes kung saan kinwestyon niya ang tagal ng kanyang pagkakakulong matapos siyang kasuhan ng plunder noong 2014.

Si Enrile at ang kanyang mga kapwa akusado kabilang si Reyes,  ay umano’y nakaipon ng P172.8 million pesos  na kickback mula 2004 hanggang 2010 sa pamamagitan ng mga non-government organizations na nauugnay sa dating negosyanteng si Janet Napoles.

Ang pork barrel scam ay isang sabwatan kung saan ang public funds partikular na mula sa Priority Development Assistance Fund ay ‌inilipat sa mga bogus na NGOs na itinayo o pagmamay-ari ni Napoles.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *