Barangay at SK elections 2023 mananatiling manu-mano – COMELEC Naga

NAGA CITY – Mananatiling manu-mano ang magiging Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ngayong darating na Oktubre, ayon ito kay Atty. Maico Julia Jr. COMELEC Officer ng Naga City.

Ito ay sa kabila ng mungkahing gagagawin itong automated tulad ng sa national elections.

Ayon kay Julia mahirap itong mangyari dahil maraming proseso pa ang dadaanan kabilang na ang dapat pag amienda sa batas sa halalan.

Sa kaniyang paliwanag sa Brigada News FM Naga, sinabi niya na halos handa na sila sa elections. Sa darating na Marso 6 mangyayaring pag-approved o pag disapproved nila sa mahigit tatlong libong bagong nagpa rehistro sa lungsod.

Ang Naga City sa ngayon ay may rehistradong sobra sa 119 libong botante at kung walang aberya, maidadagdag dito ang bilang ng mga bagong nagparehistro.

Abala na rin sila sa paghahanda sa mga posibleng bilang ng mga presinto at mga guro na magiging katuwang nila bilang mga election inspectors.      

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *