Basud, Labo, at San Vicente nakakuha ng perpektong 100% Audit Rating sa 2019 at 2021 POC Performance Audit ng DILG

CAMARINES NORTE- Kabilang sa nagkamit ng pagkilala bilang isang huwarang Peace and Order Council (POCs) sa Bicol Region ang mga bayan ng Basud, Labo at San Vicente 

Ito ay para sa  namumukod-tanging pagganap sa katatapos na 2019 at 2021 POC Performance Audit na nakakuha ng perpektong 100% Audit Rating.

Ang 2019 at 2021 POC Performance Audit ay ibinatay sa Organisasyon, Mga Pagpupulong, Mga Patakaran, Plano at Badyet, Mga Ulat, Pangkalahatang Superbisyon, Mga Inobasyon.

Ang nasabing pag-audit ay regular na isinasagawa ng Department of Interior and Local Government (DILG) upang matukoy ang paggana ng mga lokal na POC

Ito rin ay upang masuri ang kanilang pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan at mga programa sa kaligtasan ng publiko sa lokalidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *