Diplomatic relations ng Columbia at Venezuela muling binuhay

Muling nabuhay ang diplomatic relations ng Colombia at Venezuela.

Bilang pagsisimula, nagkita at nagpulong sina Colombian Ambassador Armando Benedetti at Venezuelan authoritarian leader Nicolas Maduro sa Miraflores presidential palace sa Caracas.

Sinabi ni Benedetti na naipresenta na niya kay President Maduro ang kanyang diplomatic papers kung saan kabilang sa kanilang mga napag-usapan ay ang urgency ng pagbuhay sa pagkakaibigan ng kanilang bansa.

Samantala, nakatakda namang magkaharap sina Venezuelan ambassador to Colombia Felix Plasencia at Colombian President Gustavo Petro sa mga susunod na araw.

Matatandaan na hindi naging maganda ang ugnayan ng dalawang bansa simula noong 2019 nang i-recognized ni dating Colombian President Ivan Duque ang opposition leader na si Juan Guaiado bilang lehitimong head of state ng Venezuela.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *