Bata, patay matapos makuryente

Isang 5-taong gulang na batang lalaki ang iniulat na namatay sa aksidenteng pagkakakuryente sa loob ng kanilang bahay sa Brgy Ulag, Pto Diaz, Sorsogon.

Sa ulat na natanggap ng Brigada News mula sa himpilan ng Pulisya ng Pto Diaz, ang biktima ay nakuryente matapos na matamaan ang isang electric lampshade habang naglalaro ito ng piraso ng metal sa loob ng kanilang bahay.

Kinilala ang biktima na si Angel Emnil Detablan.

Sa salaysay ng ama ng biktima sa Pulisya, hawak ng bata ang isang metal flat bar at aksidenteng naitusok ito sa isang electric lampshade.

Naitakbo pa ang biktima sa ospital subalit hindi na ito nakarating ng buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *