Batas laban sa trolls, ipinanawagan ng COMELEC

Umaasa si Commission on Elections Chairman Atty. George Garcia sa Kongreso na magpapasa ito ng batas para sa Social Media Regulation.

Ito ay para i-regulate ang social media at labanan ang paggamit ng mga trolls sa kasagsagan ng kampanya.

Sa isang news forum sinabi ni Garcia, na problema ng bansa ang troll farms at maling paggamit ng artificial intelligence.

Dagdag pa niya, meron nang umiiral na Fair Election Act kung saan nireregulate nito ang mga election propaganda, survey, at media para matiyak ang patas na halalan pero mas naniniwala siya na malalabanan ng Social Media Regulation Law ang panloloko at pagdagsa ng online trolls tuwing eleksiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *