Solon: Pagbabawal sa visible tattoo sa mga pulis, ‘lumang kaisipan at unconstitutional’

Pinuna ni Bukidnon Second District Representative Jonathan Keith Flores ang bagong polisiya ng Philippine National Police na nagbabawal sa visible tattoos para sa mga kasalukuyang personnel at mga aplikante.

Ayon kay Flores, makalumang kaisipan na ang “stereotyping” laban sa mga taong may tattoo at hindi rin ito basehan ng pagiging mabuting tao o may good moral conduct.

Wala rin aniyang kinalaman sa kakayahan at kasanayan sa pagiging pulis ang pagkakaroon ng tattoo kaya ang pag-ban dito ay hindi maiuugnay sa diskwalipikasyon.

Paliwanag pa ni Flores, maaaring maikosidera bilang unconstitutional ang diskriminasyon sa mga taong may tattoo na nagpapakita lang ng simbolo ng pagpapahayag ng pananampalataya, pag-ibig at asosasyon.

Ilegal at wala umanong basehan sa batas ang punto ng tagapagsalita ng PNP hinggil sa negatibong imahe sa publiko na kasama sa kwalipikasyon at diskwalipikasyon na nakapaloob sa Section 30 ng Republic Act 6975.

Dagdag ng kongresista, tila ang PNP pa ang kailangan ng orientation dahil ang pananaw ay hindi naka-base sa bagong reyalidad ngayong 21st century.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *