Bayan ng Mercedes nakapagtala muli ng panibagong kaso ng COVID- 19

CAMARINES NORTE- Nakapagtala muli ng panibagong kaso ng COVID- 19 ang bayan ng Mercedes sa Camarines Norte pagkaraan ng ilang linggo.

Ito ang kinumpirma ng Lokal na Pamahalaan via official facebook page ng Municipal Health Office.

Ang bagong kaso ng COVID- 19  sa naturang bayan ay si Bicol No 64628, 28 anyos na babae mula sa Barangay 2.

Naka home quarantine ngayon ang pasyente na unang nakaranasan ng sintomas noong October 17.

October 21 ay isinailalim sa RT- PCR test ang pasyente at lumabas ang resulta na positibo ito sa sakit kamakalawa.

Dahil dito umaabot na sa kabuuang 192 ang naitalang kaso ng COVID- 19  sa naturang bayan.

Sa bilang na ito 170 ang gumaling at 21 naman ang nasawi.

Kaugnay nito ay nagpaalala ang LGU na gawin pa rin ang mga kinakailangang pag iingat para makaiwas sa sakit.

Hinihikayat ang lahat na suportahan ang Pinaslakas o bakunahan kontra COVID- 19 na araw- araw isinasagawa sa  MHO at sa mga barangay.

Sa datos naman ng Provincial COVID- 19 vaccination operation center nasa 30, 279 ang nabakunahan o 80.0 percent ng 37, 857 na target population sa naturang bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *