Beauty advisor, arestado sa pagnanakaw ng mga fake nails sa isang mall sa Batangas City 

Arestado ang isang beauty advisor matapos na mahuling nagnakaw umano ng mga fake nails sa isang pharmacy company sa SM Department Store sa Brgy. Pallocan West, Batangas City.

Ang suspek na itinago lamang sa pangalang “Julie”, 20 anyos, tubong Los Baños Laguna at naninirahan ngayon sa Brgy. Malitam, Batangas City ay nahaharap sa kasong Qualified Theft.

Ayon sa imbestigador na si PCpl. Ralph Arnold Silva, nahuli ang suspek matapos na nadiskubre ng guwardiya ang dala-dala nitong mga fake nails sa frisking area, bandang alas-6:50 kagabi.

Narekober mula sa kanya ang naturang mga fake nails at gel nail na nagkakahalaga ng Php 480.00

Nadiskubre rin na itinapon ng suspek ang kahon ng naturang mga items sa basurahan.

Sinampahan na ng kaso ang suspek kasabay sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *