‘Better days ahead’ sa PH public transpo, ipinangako ni BBM

Nangako si Pangulong Bongbong Marcos na magtutuluy-tuloy ang administrasyong Marcos sa pamumuhunan sa pagpapabuti ng sistema ng transportasyon sa bansa.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag kasabay ng kanyang pangunguna sa launching ng tunnel borring machine ng Metro Manila Subway Project.

Aniya, ang naturang programa ay isang magandang simula para sa taong 2023 kasabay ng patuloy na commitment ng pamahalaan para sa pagpapaganda ng buhay ng mga Pilipino.

Umapela naman ang Pangulo sa publiko ng mas mahabang pasensya dahil kakailanganin pa ng ilang taon para matapos ang mga ganitong uri ng transportation projects.

Pinasalamatan naman ni Marcos ang Gobyerno ng Japan para sa pagpo-pondo ng JICA ‘o ‘yung Japan International Cooperation Agency sa naturang proyekto.

Matatandaaang sa Valenzuela City magsisimula ang una mula sa 17 istasyon ng naturang proyekto at magtatapos sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.

May haba itong 33 kilometro at inaasahang magiging partially operational sa 2025; at fully-operational sa 2027.

Sa oras na mag-operate, tinatayang aabot na lamang sa trenta’y-singko minutos ang biyahe mula Quezon City hanggang NAIA.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *