BFAR, hahanap ng lupain na maaring gawing salt farm ng mga mag-aasin sa Central Luzon

Hahanap ng paraan ang Bureau Of Fisheries and Aquatic Resources para matulungan ang ilang mga negosyante ng asin sa Central Luzon na magkaroon ng lupang magagamit para sa salt production.

Ito ay matapos na mauwi sa refinery ang ilang mga dating pagawaan ng rock salt makaraang maibenta ang lupain dahil sa pagkalugi at pangangailangan sa gastusin.

Ayon kay BFAR Region 3 Dir.Wilfredo Cruz, sasadyain ng mga tauhan ng ahensya ang mga salf refinery kabilang ang kai-isa sa bayan ng Palauig, Zambales.

Sa pamamagitan nito ay malalaman ng BFAR kung ano at paanong mapapahiram ng lupain ang mga salt producers gamit ang pondong inilaan ng gobyerno para palaguin ang industriya ng pag-aasin sa bansa.

Matatandaan, sinabi ni Willy Del Rosario, may-ari ng salt refinery sa Zambales na mas malaki ang kikitain kung may sariling asinan ang mga umaasa lang sa paggawa ng iodized salt.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *