BI, naalarma kaugnay sa talamak na totoo pero ilegal na nakuhang Philippine passport

Nagpahayag ng pagkaalarma si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco kaugnay sa pag-gamit ng genuine, pero illegally acquired na mga Philippine passports ng mga overstaying na mga foreign nationals

Binigyang-diin ng BI chief, na nakumpiska ng mga immigration officers ang ilang fraudulently-acquired passports simula ng pagsisimula ng taon.

Dagdag ni Tansingco, na ang naturang mga undesirable aliens ay nagpapanggap na ibang tao para makakuha ng lahat ng klaseng dokumento para makaiwas sa inspeksyon ng immigration.

Inihalimbawa ni Tansingco, ang 36 taong gulang na Chinese national na si Zhang Hailin na naharang na makasakay sa kanyang flight papuntang Vietnam, matapos magduda ang mga immigration officers na siya ang may-ari ng pasaporta na nasa ilalim ng pangalang Alex Garcia Tiu.

Kaugnay nito, nagpakita umano si Zhang ng authentic Philippine birth certificate, maging ang passport umano nito ay mayroong counterfeit immigration stamps.

Kalaunan ay inamin din nito ang kanyang totoong nationality, at siya ay overstaying sa bansa simula noong 2020.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *