BI, umaasa na magkakaroon ng 12k turista sa PH araw-araw

Umaasa ang Bureau of Immigration na magkakaroon ng average na mahigit 12,000 na tourist arrivals sa pagsisimula ng summer sa bansa sa gitna ng pinaluwag na travel restrictions sa kabila ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na nakakakita sila ng patuloy na pagtaas ng tourist arrivals mula nang i-reopen ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) ang borders ng bansa noong nakaraang buwan.

Handa naman ang BI sa posibleng surge ng foreign nationals.

Iginiit ni Sandoval na full force na ang ahensya sa deployment ng airport personnel na magtitiyak na naseserbisyuhan ang lahat ng arriving passengers.

Tiniya rin ng BI na imomonitor nito ng maigi ang mga arrivals.

Naatasan na rin ang Bureau of Quarantine (BOQ) na mag-inspeksyon sa health-related travel documents ng mga nagdadatingang mga dayuhan sa Pilipinas.

Maari naman magpatupad ang BI ng “exclusion proceedings” para sa mga dayuhan na hindi magco-comply sa IATF requirements.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *