Bicol region nagtala na lamang ng isang bagong kaso ng COVID-19

BICOL—Isa na lamang na kaso ng COVID-19 ang naitala sa Bicol region at ito ay mula sa bayan ng Nabua, Camarines Sur.

Ito na ang pinakamababang kasong naitala sa isang araw sa rehiyon sa loob ng taong kasalukuyan.

Sa kabuuan ay nasa 46,696 na ang cumulative cases ng sakit pero 40,991 na nito ang mga gumaling.

Tatlo ang mga bagong nadagdag sa recoveries at ito ay pawang mula sa Sorsogon.

Isang kaso naman ng pagkasawi ang nadagdag na mula sa Camarines Sur kung kaya pumalo na sa 1, 957 ang death toll ng sakit sa rehiyon.

Sa kabila nito ay patuloy pa rin ang paalala ng DOH Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### | slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *