Bicol region nagtala ng mababang bagong kaso ng COVID-19; recoveries patuloy sa pagtaas

BICOL—Naitala ng Bicol region ang mababang bagong kaso ng COVID-19 na umabot lamang sa 59 base sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH).

Pinakarami nito ay nagmula sa Camarines Norte na umabot sa 19. Sampo ang mula sa bayan ng Daet, tigtatlo ang bayan ng Labo at Sta. Elena, at tig-iisa ang mga bayan ng Capalonga, Paracale at Vinzons.

15 bagong kaso ang nadagdag sa Camarines Sur kung saan apat nito ay mula sa bayan ng Libmanan, tigdadalawa ang bayan ng Canaman, Tinambac at lungsod ng Naga. Pero nilinaw ng DOH na isa lamang ang bagong kasong nadetect sa Naga dahil ang isa nito ay sa labas ng Bicol nag test positive ngunit dito na ng quarantine. Tig-iisang kaso naman ang mga bayan ng Del Gallego, Goa, Lupi, Pamplona at lungsod ng Iriga.

13 kaso ang nadagdag sa Albay kung saan apat ang mula sa bayan ng Camalig, tigdalawa ang bayan ng Libon, Daraga at lungsod ng Legazpi at tig-iisa naman ang bayan ng Manito at lungsod ng Tabaco at Ligao.

Siyam na bagong kaso ang naitala sa Sorsogon kung saan walo nito ay mula sa lungsod ng Sorsogon at isa ang mula sa bayan ng Gubat.

Tatlong bagong kaso ang naitala sa Catanduanes kung saan dalawa ang mula sa bayan ng Virac at isa sa bayan ng Bagamanoc habang wala namang naipadalang specimen ang lalawigan ng Masbate.

Sa kabuuan, ay umaabot na sa 20,439 ang kaso ng COVID-19 sa Bicol mula ng magsimula ang pandemya noong nakaraang taon.

16,532 na nito ang mga gumaling at patuloy pang tumataas. Ngayong araw ay nasa 195 ang panibagong reported recoveries kung saan 85 nito ay mula sa Camarines Sur, 66 sa Camarines Norte, 29 sa Naga City, sampo sa Sorsogon at lima sa Catanduanes.

Samantala, pito naman naman ang bagong nasawi kung kaya pumalo na sa 776 ang death toll. Tatlo ang nadagdag sa Camarines Sur, dalawa sa Naga City at tig-isa ang Sorsogon at Camarines Norte.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon. 𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.### || SLM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *