Bicol region nagtala ng mababang kaso ng COVID-19 ngayong araw; ilang probinsya bigong magsumite ng specimen

BICOL—Umabot lamang sa 17 ang bagong kaso ng COVID-19 na naitala ngayong araw sa Bicol region.

15 nito ay mula sa Camarines Sur kung saan dalawa ang mula sa Naga City, dalawa rin sa Iriga City at gayundin sa bayan ng Minalabac habang tig-iisa naman ang mga bayan ng Buhi, Bula, Calabanga, Camaligan, Canaman, Del Gallego, Libmanan, Pamplona at Pili.

Tig-isang kaso naman ang lalawigan ng Albay na naitala sa bayan ng Tiwi ang at Camarines Norte na naitala sa bayan ng Daet.

Bigo namang makapagpadala ng specimen ang mga lalawigan ng Catanduanes, Sorsogon at Masbate.

Sa kabuuan, ay pumapalo na sa 21,312 ang kaso ng COVID-19 sa Bicol region kung saan 17, 408 na nito ang gumaling. Apat ang nadagdag sa mga recoveries ngayong araw, isa ang mula sa Catanduanes at tatlo sa lalawigan ng Sorsogon.

Wala namang bagong kaso ng pagkasawi na naireport kung kaya nananatili sa 804 ang death toll ng sakit sa buong Bicol region.

Sa gitna nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *