Bicolanong top notcher sa Criminolists Licensure Exam, kompyansang makakapasa sa pagsusulit; kanyang akomplisimento, iniaalay sa pamilya

LEGAZPI CITY – Ibinahagi ng top notcher sa Criminologists Licensure Examination ang kanyang kwento o mga pinagdaanan bago maabot ang ang nasabing akomplisimento na nataon ding isang Bicolano.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Kenneth O. Dela Torre, isang alumna mula sa Naga College Foundation, sinabi niya na sa ngayon ay unti-unti nang nagsi-sink in sa kanya ang pagkakapasa niya sa nasabing pagsusulit.

Ayon sa kanya, pinaghahandaan niya na sa ngayon ang mga bagay na kaakibat ng kanyang nakuhang akomplisimento, at mahirap din umanong pumili sa mga oportunidad.

Sinabi niya, sa kanyang naging eksaminasyon, nagkaroon siya ng kompiyansa na maipapasa niya ito sapagkat lubos siyang naghanda para rito.

Umabot umano sa punto na halos apat hanggang limang oras na lamang ang kanyang nagiging tulog dahil sa kanyang pagreview.

Hindi rin itinanggi ni Dela Torre na may mga oras ding nakakaranas siya ng breakdown noong mga panahon na nagrereview pa lamang siya dahil sa kakaisip ng magiging kalabasan ng lahat ng kanyang pagsisikap.

Aniya, malaki rin ang naging epekto sa kanya ng pandemya dahil biglang nagbago ang kanyang habit sa pag-aaral.

Sa lahat ng kanyang pinagdaanan, lubos din umano siyang nahirapan ngunit ginawa niya pa rin alang-alang sa kanyang mga magulang, pamilya at mga sumusuporta sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *