Bilang ng aksidente sa kalsada sa bayan ng Castilla, tumaas ng 37% noong 2022

Nadagdagan ng 16 na kaso ng aksidente sa kalsada partikular sa bayan ng Castilla, Sorsogon.

Ayon sa datos na nakuha ng Brigada News mula sa Prov’l Investigation Detection and Management Branch (PIDMB), nakapagtala ng 43 na aksidente sa kalsada sa nasabing bayan noong 2021 habang 59 kaso naman noong 2022 o 37.21%.

Ayon sa mga awtoridad, mataas ang naitatalang bilang ng aksidente kapag pumasok na ang Disyembre.

Ang naitalang mga bilang ay bunsod ng mga residenteng nagsisi-uwian sa kani-kanilang lugar para magbakasyon at makasama ang kanilang mga pamilya sa Pasko at Bagong Taon.

Pinayuhan ng PNP ang publiko na maging responsible sa paggamit ng kalsada, upang makaiwas sa aksidente na posibleng magbuwis ng buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *