Bilang ng maagang nabubuntis sa Naga , tumaas

NAGA CITY – Tumaas ang bilang ng Early Teenage Pregnancy o maagang pagbubuntis ng mga kabataan sa Naga City kumpara noong 2021.

Noong 2021 nakapagtala ng 106 kaso pero hindi naman direktang sinagot ng Naga City Population and Nutrition Office kung ilan na ang kaso ngayong 2022.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Ray an Rentoy, Head ng NCPNO.

Aniya, sumali sila sa The Challenge Initiative kung saan sinusubukang mabawasan o kung maaari mawalan ng kaso sa lungsod, may mga programa na rin na ipapatupad lalo na sa limang pilot barangay na may mataas na kaso, ang Barangay Pequeña, Balatas, Mabulo, Caluag at Sabang, magkakaroon rin ng mga Teen Hubs sa mga pilot barangay o sa paaralan na makakatulong sa mga kabataang maagang nabuntis.

Kaugnay nito, patuloy at may mga programa at aktibidad na gaganapin para sa mga buntis at mga bata ang naturang opisina bilang selebrasyon ng Nutrition Month ngayon taong 2022, pormal na ring nagkaroon ng Zumba Kick Off bilang pagbubukas ng pagdiriwang kung saan hanggang katapusan ng buwan may nakatalaan silang mga aktibidad.

Naki-usap na rin ito sa mga magulang na kung maaari bantayan, gabayan at kausapin ang kanilang mga anak lalo na sa loob ng pamilya at mga magulang ang mas may pinakamalaking reponsibilidad para sa ikabubuti ng kanilang mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *