PHO-WASH Albay Coordinator, kinumpirmang walang waterborne disease sa mga evacuation centers sa lalawigan

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ni Albay Provincial Health Office – Water, Sanitation and Hygiene (PHO-WASH) Albay Coordinator Engr. William Sabater na walang waterborne disease sa mga evacuation centers sa lalawigan .

Ito ay kaugnay ng kumakalat na balita na ang dahilan ng pagkakasakit ng ilang mga bakwit ay ang hindi malinis sa supply ng tubig sa mga evacuation centers.

Subalit nilinaw ni Sabater na ang kanilang team ay regular na nagsasagawa ng water sampling sa lahat ng mga water sources ng mga evacuation centers upang matiyak na ang tubig na ginagamit ay ligtas sa kalusugan.

Sa kasalukuyan, anim na trak ng tubig ang ipinakalat at ginagamit sa pagrarasyon ng tubig sa mga sentro.

Dalawa mula sa Pamahalaang Panlalawigan ang naka-deploy sa Daraga at apat mula sa Philippine Red Cross na naka-deploy sa Sto. Domingo, Malilipot, Guinobatan at Tabaco.

Para naman matiyak na 100% na ligtas at dekalidad ang tubig na maiinom, iminungkahi ng tanggapan na makipag-ugnayan sa mga water refilling stations.

Patuloy naman na nagsasagawa ng disinfection, misting, at deodorizing ang PHO sa mga evacuation center.

Nakapag-spray na rin umano sila ng insecticide para sa pag-iwas sa dengue, pagkatapos ay nagsagawa naman ng paged-deodorize sa mga kuwarto gamit ang lemon flavored spray.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *