Bilang ng mga naapektuhan ng pananalasa ng Shear Line, umakyat na sa mahigit 160,000

Lubog pa rin sa baaha ang 48 na mga lugar dahil sa tuluy-tuloy na mga pag-ulang dulot ng Shear Line.

Sa latest bulletin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mayroon pa ring baha sa limang mga areas sa MIMAROPA, dalawa mula sa Bicol Region, tatlo sa Northern Mindanao, at 38 sa BARMM.

12 mga kalsada rin sa Bicol at tatlo sa Northern Mindanao ang hindi pa rin madaanan.

Tinatayang aabot nman sa P11,290,000 ang pinsala sa mga tahanan kung saan, 534 ang kabuoang bilang ng mga damaged houses.

Aabot na rin sa tinatayang P14.5Million ang pinsala sa imprastraktura; habang halos P61.9Million naman ang pinsala sa agrikultura.

Una nang iniulat ng NDRRMC na umakyat na sa 13 ang bilang ng mga nasasawi; 6 ang nasugatan; habang 23 naman ang patuloy pang pinaghahanap.

Ilang lalawigan sa Northern Mindanao, tuloy ang apela ng tulong sa National Government

Bahagya nang kumalma ang nararanasang mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Northern Mindanao.

Sa panayam, sinabi ni Gingoog City, Misamis Oriental – City Disaster Risk Reduction and Management Officer (CDRRMO) Marlon Pajo na mayroon na lamang mga mahihinang pag-ulan na nararanasan sa Lungsod.

Sa kabila nito, bagamat bahagya nang humuipa ang baha sa ilang mga lugar, mayroon pa rin umanong mga pagbaha sa ilang mga barangay sa kanilang lugar.

Dumating na rin umano ang iba pang mga relief goods at augmentation mula sa National Government.

Samantala, sinabi naman ni Clarin, Misamis Occidental – Municipal DRRMO Carmelito Heray na nagpapatuloy ang assessment sa kanilang area.

Umapela rin ito na kailangan nila nayon ng malinis na inuming tubig.

Nag-umpisa na rin umano ang ilang mga rescue operations para sa mga nawawala matapos bahagya nang humupa ang baha sa kanilang lugar.

Matatandaaang isinailalim na sa state of calamity ang Lungsod ng Gingoog sa Misasmis Oriental kahapon.

Ngayong araw, nag-deklara na rin ng state of calamity ang bayan ng Llorente sa Eastern Samar.#

Pangulong Marcos, pinulong ang ilang mga opisyal para matiyak ang tulong sa mga Shear Line-hit areas

Patuloy umano ang pagmo-monitor ni Pangulong Bongbong Marcos sa sitwasyon ng mga naapektuhan ng pagbahang dulot ng Shear Line sa bahagi ng Visayas at sa Mindanao.

Ayon sa Office of the Press Secretary – pinulong ng Pangulo ang iba’t ibang mga opisyales at tanggapan para magbigay ng kani-kanilang assessment sa mga epekto ng mga baha.

Dito ay ipinag-utos ng Pangulo ang agarang pagbibigay ng mga karampatang tulong sa mga naapektuhan ng masamang panahon.

Kaugnay nito, tuluy-tuloy pa rin ang ginagawang pamamahagi ng Department of Social Welfare
and Development ng mga food packs at iba pang relief goods para sa mga apektado ng Shear Line.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *