Bilang ng mga nabakunahan sa Lucena City District Jail, aabot na sa 353

Aabot na sa bilang na tatlong daan limampu’t tatlong (353) indibidwal ang tumanggap ng unang dosage ng bakuna kontra COVID-19 sa Lucena City District Jail sa ilalim ng Resbakuna vaccination program ng lungsod.

Pinangunahan ng Lucena City Health Office ang pagbabakuna sa dalawang daan at pitong (207) Persons Deprived of Liberty (PDL) mula sa female dormitory habang isang daan at siyam (109) PDL naman sa male dormitory.

Bukod pa dito ang apat (4) na personahe, limang (5) jail officers at isang (1) trainee na tumanggap rin ng bakuna.

Binigyan din ng bakuna ang labing isang (11) PDL mula sa Quezon District Jail at labing anim (16) na PDL ng Lucena PNP Locked-Up Jail bilang pre-emptive preparation sa posibleng pagturn-over ng mga nasabing PDLs sa City District Jail.

Samantala, nakatakda namang bumalik ang CHO sa mga susunod na linggo para sa kanilang ikalawang dose. | via Brian Zagala/BNFM Lucena

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *