Vaccination coverage vs COVID-19 sa Bicol bahagyang umangat sa 27%; mahigit 1.7m doses naibakuna na

BICOL—Umaabot na sa 1,706,385 doses ng COVID-19 vaccine ang naibakuna sa iba’t-ibang priority groups sa Bicol region sa kabuuang 2,291,900 doses na natanggap ng rehiyon.

Dahil dito, umangat sa 27% ang vaccination coverage mula sa 26% ngayong lingo.

Sa pinakahuling vaccine statistics report ng Department of Health (DOH) Bicol kahapon, umaabot na sa 792, 147 ang mga completely vaccinated individuals kung saan 554, 775 nito ang mga nauturukan ng second dose habang 237,372 ang mga nabakunahan ng one shot Janssen vaccine.

Umaabot naman sa 914,238 ang mga naturukan ng first dose at naghihintay pa ng schedule ng kanilang ikalawang dose.

Nasa 18% na ang fully vaccinated kung saan bahagyang umangat ang mga nasa Other priorities mula sa 1.31%, ngayon ay nasa 1.39% na ang mga nababakunahan.

Umusad din ang percentahe ng mga fully vaccinated sa A2 o mga senior citizen mula sa 47%, ngayon ay nasa 48% na ito.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *