Senate panel, ipapa-subpoena na si Atong Ang sa Senate hearing

Inutos na ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang pagpapa-subpoena sa gaming tycoon na si Charlie “Atong” Ang matapos nitong mabigo na magpakita sa committee hearing para sa kaso ng 31 nawawalang mga sabungeros.

Sinabi ni Panel chairperson Senator Ronald Bato dela Rosa na si Ang ang may-ari ng tatlong arena kung saan ay may mga kaso ng nawawalang mga tao.

Una nang sinabi ni Ang na bigo siyang makadalo sa hearings dahil sa kondisyon ng kaniyang kalusugan.

Gayunman, nangako rin siya sa Senate committee na darating siya sa susunod na panel hearing oras na bumuti ang kaniyang kalusugan.

Matatandaan na inisyal na naiulat ng PNP na meron apat na kalalakihan ang nawala matapos nilang magpartisipa sa sabong sa Sta. Cruz, Laguna noong January 13.

Sa parehong araw rin ay nawala ang anim na kalalakihan matapos nilang magpartisipa sa sabong sa Manila.

Nang simulan na ng CIDG ang kanilang imbestigasyon, ay nadagdagan pa ang bilang ng mga sabungero na napaulat na nawawala kabilang na ang 10 indibidwal sa Bulacan na nawala noong walong buwan na ang nakararaan matapos ang kanilang pagdalo sa sabong sa parehong arena sa Sta. Cruz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *