Bilang ng mga tumataya sa Lotto sa Naga , tumaas; publiko hindi daw dapat mag duda sa draw- PCSO

NAGA CITY- Tumaas ang bilang ng mga mananaya sa lotto sa Naga City kasunod ng malalaking jackpot at may mga nakakasungkit na rin nito.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)- Camarines Sur Branch Manager Jobit Ramos, nasa 30-35% ang itinaas sa bilang ng mga mananaya sa mga outlet sa Naga.  Marami rin ang mga humihingi ng asistensya sa opisina tulad ng mga sumasailalim sa dialysis, naka confine at iba pa. Hanggang sa P50,000.00 ang pinakamataas na budget ng PCSO sa mga pasyente.

Samantala , nito lamang nagdaang araw, pinuna sa social media ang larawan ng PCSO na nagpapakita ng pag claim ng 47-anyos na ginang sa Bulacan, P43M ang napanalunan nito sa 6/42 lotto noong Disyembre, ayon sa mga nangingilatis na mga netizen, edited daw ang picture.

Sa hearing sa Senado, inamin ni  PCSO General Manager Melquiades Robles na edited ang larawan pero totoong tao aniya iyon, kinailangan lamang e-edit dahil may mga nanalo nang nakikilala sa damit.

Sa draw naman, para kay Ramos, hindi dapat mag duda ang publiko dahil may transparency sa draw, may mga representatives tulad ng mula sa Commission on Audit (COA) at naka televised pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *