Salceda, tiwala na makukuha ng people’s initiative ang 12%

Kumpyansa si Albay Rep. Joey Salceda na makukuha ng People’s Initiative ang 12% ng mga kailangang pirma sa susunod na linggo.

Kaya tiwala si Salceda na tuloy na ang unang kumalat na timeline para isalang sa plebisito ang people’s initiative sa Hulyo.

Kinumpirma niya rin ang unang timeline na inihayag sa media ng Kabataan partylist na nagpapakita ng schedule sa paglikom ng pirma pagkilatis at pagtanggap ng Comelec, hanggang sa plebesito bago ang susunod na State of the Nation Address ng Pangulo sa Hulyo.

Sinabi ni Salceda may anim na distrito ang sobra sobra pa ang mga lagdang nalikom mula sa mga botante.

Puna naman ni Rep. Edcel Lagman mali ang ginawang proseso ng pagpapa-prima.

Giit naman ni Salceda na imumungkahi ng Kamara ang kanilang version ang inaprubahan nila sa 18th Congressm dahil may epekto umano ito sa ekonomiya kung masusunod ang kanilang panukala sa pitong probisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *