Bilang ng namatay sa lindol sa Indonesia Umakyat na sa 310, 24 ang nawawala

Umakyat na sa 310 ang bilang ng mga nasawi sa lindol na yumanig sa pangunahing isla ng Java sa Indonesia ngayong linggo, ayon sa National Disaster Mitigation Agency ng bansa.

Ayon sa ahensya, mayroon pang 24 katao ang nananatiling nawawala matapos ang lindol na nagdulot ng pagguho ng lupa at pagbagsak ng mga gusali sa West Java na bayan ng Cianjur.

Ayon sa United States Geological Survey, 5.6-magnitude na lindol ang tumama sa Cianjur region bandang 1:21 p.m. noong Lunes na may lalim na 10 kilometro.

Ang lindol ay nagdulot ng pagbagsak ng mga gusali habang isinasagawa ang mga klase sa paaralan sa nabanggit na lugar.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *